text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Kahawig ito ng pipino ( partikular na ang English cucumber ) ngunit may matigas na balat. |
Kasinlasa ito ng mga zucchini. |
Wikang Nusa Laut |
Ang wikang Nusa Laut ay isang wikang Austronesyo na sinasalita sa Indonesia. |
Kaharian ng Masedonya |
Ang sinaunang kaharian ng Masedonya , kilala rin bilang Masedon o Masedonya lamang , o Imperyo ng Masedonya ( mula sa wikang Griyegong Makedonia Makedonia ) ay isang sinaunang kaharian sa hilaga ng sinaunang Gresya. |
Malapit dito ang kaharian ng Epirus ( nasa kanluran nito ) at Trasya ( na nasa silangan nito ). |
Matagal nang panahon ang nakakalipas , ito ang pinakamakapangyarihang kaharian sa Malapit sa Silangan at pangkasalukuyang Pakistan pagkaraang masakop ni Alejandro ang Dakila ang halos kalahatan ng mundong nakikilala sa Europa. |
Ito ang tinatawag na panahong Helenistiko ( kabihasnang Helenistiko ) sa kasaysayan ng Gresya. |
Sa paglaon , nasakop ito ng Imperyong Romano. |
Turkey |
Ang Turkey , na may opisyal na pangalang Republika ng Turkey ( Turko : Turkiye Cumhuriyeti ) ay isang bansa na pangunahing matatagpuan sa Gitnang Silangan at bahagi nito sa timog - silangang Europa. |
Hinahanggan ang Turkey ang Bulgaria at Greece sa kanluran , Georgia , Armenia , Azerbaijan , at Iran sa silangan , at Iraq at Syria sa timog. |
Ito hanggang 1922 ang sentro ng Imperyong Otomano. |
Ang pangalan ng Turkey sa Wikang Turko , Turkiye , ay maaaring hatiin sa dalawang salita : Turk , na ang ibig sabihin ay " malakas " sa Matandang Turko at kadalasang nagsasabi sa mga naninirahan sa Turkey o kasapi ng mga Turko. |
Sa wikang Tagalog , ang pangalang Turkey ay hiram mula sa salitang Espanyol na Turquia. |
Ang mga tao ay mas matagal na tumitira sa Anatolia ( ang bahagi ng Turkey na nasa Asya na tinatawag din na Asia Minor ) kumpara sa ibang lugar sa mundo , maliban sa Aprika. |
Ang unang pangunahing imperyo sa lugar na ito ay ang mga Hittite ( mula sa ika - 18 dantaon hanggang sa ika - 13 dantaon BC ). |
Ang mga Hittites , na nagsalita ng mga wikang Indo - Europeo , ay bumuo ng isang mataas na kultura sa Gitnang Anatolya. |
Nasira ang kanilang kaharian noong ika - 7 dantaon BC at ang mga sumunod na estaso ay ang Lydia , Caria , at Lycia. |
Mula 1950 BCE , ang mga Griyego at Assyriano ay tumira sa iba 't ibang bahagi ng timog silangang Turkey. |
Ang kabisera ng Assyria ay tinawag na Tushhan ( 900 - 600 BCE ). |
Namahala ang mga Assyrians sa timog silangang Turkey hanggang sa masakop ng Babylonia sa taong 612 BC. |
Naging tahanan ang Anatolia sa iba 't ibang mga kaharian tulad ng Imperyong Achaemenid , mga kahariang Hellenistiko , Imperyong Romano , Silangang Imperyong Romano , Imperyong Seljuk at ang Imperyong Monggol. |
Alemanya * Austria * Belhika * Bulgarya * Croatia * Dinamarka * Eslobakya * Eslobenya * Espanya * Estonya * Gresya * Irlanda * Italya * Latbiya * Litwaniya * Luxembourg * Malta * Nagkakaisang Kaharian * Olanda * Pinlandiya * Polonya * Portugal * Pransiya * Rumanya * Suwesya * Tsekya * Tsipre * Unggarya. |
Mga bansang kandidato na nasa usapan sa paglawak : Iceland * Montenegro * Serbiya * Turkiya. |
Mga bansang kandidato : Republika ng Masedonya ( kilala ng UE bilang " Dating Republikang Yugoslav ng Masedonya " ). |
Mga bansang maaring maging bansang kandidato : Albanya * Bosnia at Herzegovina * Kosovo. |
Albanya * Alemanya * Andora * Armenya2 * Austrya * Aserbayan1 * Belhika * Belarus * Bosnia at Hersegobina * Bulgarya * Dinamarka3 * Eslobakya * Eslobenya * Estonya * Espanya1 * Heyorhiya1 * Gresya1 * Unggarya * Irlanda * Italya3 * Kasakistan1 * Kroasya * Latbiya * Liechtenstein * Litwanya * Luksemburgo * Lupangyelo * Republika ng Masedonya * Malta * Moldabya * Monako * Montenegro * Noruwega3 * Olanda3 * Pinlandiya * Polonya * Portugal3 * Pransiya1 * Rumanya * Rusya1 * San Marino * Serbya * Suwesya * Suwisa * Turkiya1 * Tsekya * Tsipre2 * Ukranya * Pinag - isang Kaharian3 * Lungsod ng Batikano. |
1 Mayroong bahagi ng teritoryo nito na nasa labas ng Europa. |
2 Buong nasa Kanlurang Asya ngunit mayroong ugnayang sosyo - politikal sa Europa. |
3 May mga umaasang teritoryo sa labas ng Europa. |
Kalyos ( pagkain ) |
Ang goto o kalyos ( Kastila : callos , Ingles : stewed tripe ) ay isang uri ng putaheng Pilipino na may sahog na kalyos. |
Maaari ring sahugan ito ng paa ng baka. |
Pilosopiyang pampolitika |
Ang pilosopiyang pampolitika ay ang pag - aaral ng mga paksang katulad ng politika , kalayaan , katarungan , pag - aari ( ari - arian ) , karapatan , batas , at ang pagpapatupad ng mga kodigong pambatas na may kapangyarihan : kung ano ang mga ito , kung bakit ( o maging ang kung kailangan ba ) ang mga ito , kung ano , kung anuman , ang bumubuo sa pagiging lehitimong pamahalaan , kung anong mga karapatan at mga kalayaan ang dapat nitong prutektahan at pangalagaan at kung bakit , kung anong porma o anyo ang dapat itong akuin at kung bakit , kung ano batas , at anu - anong mga gampanin o katungkulan ang dapat na gampanan o gawin ng mga mamamayan para sa isang tunay o taal na pamahalaan , kung mayroon man , at kung kailan dapat balibatin o alisin sa tungkulin ang isang pamahalaan , kung kinakailangan. |
Sa diwang bernakular , ang katagang " pilosopiyang pampolitika " ay kadalasang tumutukoy sa isang pangkalahatang pananaw , o tiyak na paniniwala o kaugaliang pang - etika o pampolitika , hinggil sa politika na hindi talaga nasa piling o hindi tunay na kabahagi ng teknikal na disiplina ng pilosopiya. |
Ang pilosopiyang pampolitika ay maaari ring unawain sa pamamagitan ng pagsusuri rito sa pamamagitan ng mga perspektibo ng metapisika , epistemolohiya , at aksiyolohiya. |
Nagbibigay ito ng tarok ng isip sa loob ng , sa piling ng iba pang mga bagay - bagay , sa sari - saring mga aspekto ng pinagmulan ng estado , ng mga institusyon nito at mga batas nito. |
Isang mas malawak na talaan ng mga pilosopong pampolitika ay nararapat upang mapalapit sa lubos. |
Ang mga nakatala ay ilan sa mga pinakanagiging pamantayan o mga pinakamahalagang palaisip , at lalo na ang mga pilosopong ang pangunahing pinagututuunan ng pansin ay ang pilosopiyang pampolitika at / o tunay na kumakatawan sa isang tiyak na doktrina. |
Akie Yoshizawa |
Si Akie Yoshizawa ay isang mang - aawit mula sa bansang Hapon. |
Himagsikan |
Ang himagsikan o panghihimagsik ( Ingles : insurrection , revolution , rebellion , revolt ) ay ang tumutukoy sa pag - aalsa o pagrerebelde ng taumbayan laban sa pamahalaan dahil sa pagtutol o pagtanggi sa pamamalakad ng mga awtoridad o mga may katungkulan. |
Maaari rin itong tumukoy sa isang mahalagang sandali na makapagbabago sa sitwasyong pampolitika ng isang bansa. |
O kaya , sa pag - agaw ng mga nag - alsa sa kapangyarihan ng namumuno ng pamahalaan. |
Tinatawag din itong rebolusyon o rebelyon dahil kaugnay ito ng marahas na pagsuway at maparaan o organisadong paglaban upang mapabagsak ang pamahalaan. |
Tagoloan II |
Ang Bayan ng Tagoloan II ay isang ika - 5 klaseng bayan sa lalawigan ng Lanao del Sur , Pilipinas. |
Ayon sa senso noong 2000 , ito ay may populasyon na 8,714 katao sa may 1,064 na kabahayan. |
Ang bayan ng Tagoloan II ay nahahati sa 19 na mga barangay. |
Pinuno ng pagpapasigla |
Ang mga pinunong pampasigla o mga pinuno ng pagpapasigla ( Ingles : cheerleader ) ay ang mga tao , karaniwang sa larangan ng palakasan at mga palaro , na namumuno at nangungunang sa mga taga - ayuda o pampasigla ng mga manlalaro o mga atleta. |
Nagsasagawa ang mga ito ng mga pagpalakpak , pagsigaw , at iba pang mga kilos o galaw na nag - uudyok ng lakas ng loob ng mga nagsisipaglaro , kaya 't kilala rin sila bilang mga pinuong taga - udyok , pinunong mang - uudyok , pinunong tagapagpalakas - loob o pinunong tagapagpalakas ng kalooban. |
Arctocephalinae |
Ang mga mababalahibong karnerong - dagat o osong - dagat ( Ingles : fur seal , kung minsan ay sea bear ) ay ang anuman sa siyam na mga espesye ng mga pinniped na nasa pamilyang Otariidae. |
Ang isang espesye , ang panghilagang mabalahibong karnerong - dagat ( Callorhinus ursinus ) ay naninirahan sa Hilagang Pasipiko , samantalang ang pitong mga espesyeng nasa genus na Arctocephalus ay pangunahing natatagpuan sa Silangang Hemispero. |
Mas malapit ang kanilang kaugnayan sa mga leong - dagat kaysa sa tunay na mga karnerong - dagat ( mga karnerong - dagat na " walang mga panlabas na bahagi ng tainga " ) at nagsasalo sa kanila ng katangian ng pagkakaroon ng mga bahagi ng taingang panlabas ( pinnae ) , mahahaba at mamasel na mga pangharapang mga palikpik , at ang kakayahan na maglakad sa pamamagitan ng apat na mga paa - paahan. |
Kinatatangian sila ng kanilang makapal at siksik na pang - ilalim na mga balahibo o suson ng balat , na napagtuunan ng mahabang panahon ng pangkalakalang pangangaso. |
Torreon |
Ang Torreon ay isang lungsod sa Estado ng Coahuila , sa bansang Mehiko. |
Reynaldo Umali |
Si Reynaldo Umali ay isang politiko sa Pilipinas. |
Ulupong ( Viperidae ) |
Ang ulupong o bibora ( Ingles : viper ) ay isang uri ng makamandag o nakalalasong ahas na kabilang sa pamilya ng mga Viperidae. |
Mga sari sa ilalim ng Viperidae :. |
Magico ( manga ) |
Ang Magico ( maziko , Majiko ) ay isang seryeng manga. |
Balintataw |
Ang balintataw ( Ingles : pupil ) , na tinatawag ding alik - mata , inla , ninya , tao - tao , o pupilahe , ay isang butas na nasa gitna ng iris ng mata na nagpapahintulot ng pagpasok ng liwanag sa retina. |
Kulay itim ito sapagkat karamihan sa liwanag na pumapasok sa balintataw ay hinihigop ng mga tisyung nasa loob ng mata. |
Sa mga tao , ang balintataw ay bilog , subalit ang ibang mga espesye , katulad ng sa ilang mga pusa , ay may balintataw na hugis siwang. |
Sa mga katagang pang - optiko , ang balintataw na pang - anatomiya ay ang apertura o butas ng mata at ang iris ay ang panghinto ng apertura ( literal na panghinto ng butas ). |
Ang imahe ng balintatawa na nakikita sa labas ng mata ay ang pasukang balintataw , na hindi talagang tumutugma sa lokasyon at sukat ng pisikal na balintataw dahil ito ay pinalalaki ng kornea. |
Sa panloob ng gilid nito ay nakahimlay ang isang lantad na kayarian , ang kolarete ( collarette sa Ingles ) , na tanda ng dugtungan o pag - aanib ng embriyonikong membranong pambalintataw na tumatakip sa embriyonikong balintataw. |
Nektar ( mitolohiya ) |
Sa mitolohiyang Griyego , ang nektar o ambrosya ( Ingles : nektar o ambrosia ; Griyego : ambrosia ) ay ang inumin o pagkain ng mga bathala o ng mga diyos at diyosa ng Olimpo. |
Nakapagbibigay ito ng kabataan at buhay na walang - hanggan sa sinumang uminom o kumain nito. |
Kaito Kubo |
Si Kaito Kubo ( ipinaganak Nobyembre 5 , 1993 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon. |
Itami , Hyogo |
Ang Itami ay isang lungsod sa Hyogo Prefecture , bansang Hapon. |
Abulya |
Ang abulia o abulya , tinatawag ding Karamdaman ni Blocq , ay isang uri ng karamdaman sa pag - iisip na may kawalan ng kakayahan ang pasyente na magdesisyon o kumilos nang nag - iisa. |
Pakikipag - ugnayang pahapyaw |
Ang pakikipag - ugnayang pahapyaw , pakikipag - ugnayang panandalian , pakikipag - ugnayang impormal , pakikipag - ugnayang hindi pangmatagalan , pakikipag - ugnayang kaswal , o ugnayang maluwag ( Ingles : casual relationship , fling ) ay isang pangkatawan o pisikal at pandamdaming pakikipag - ugnayan o ugnayan sa pagitan ng dalawang tao na maaaring may pakikipag - ugnayang seksuwal o pampagtatalik ( isang sitwasyong tinatawag na pakikipagkaibigang may benepisyo , pakikipagkaibigang pampagtatalik , pakikipagkaibigang may pakinabang , pakikipagkaibigang may pagkinabang , pakikipagkaibigang impormal , o pakikipagkaibigang seksuwal ) ) o isang halos pampagtatalik o seksuwal na ugnayan na hindi talaga nangangailangan ng paghingi o paghiling o umaasa ng dagdag na paninindigan na makikita sa isang mas pormal na pakikipag - ugnayang romantiko. |
Ang mga motibo para sa mga ugnayang kaswal ay nag - iiba - iba. |
Mayroong mahahalagang mga pagkakaibang pangkasarian at pangkultura sa pagtanggap ng at lawak ng mga ugnayang pahapyaw , pati na sa panghihinayang hinggil sa pagkilos o hindi pagkilos sa ganitong mga ugnayan. |
Ang isang ugnayang kaswal ay maaaring minsanan lamang , o para sa loob ng maiksing panahon , at maaari o maaaring hindi monogamo. |
Ang katawagang ito ay nagsasangkot ng mga pagkakaibigan sa pagitan ng mga tao na nakakakuha ng kasiyahan sa pagiging matalik nila na pangkatawan subalit hindi naghahangad na maging pangmatagalan , at maaari o maaaring hindi kasangkutan ng mga partidong nagnanais ng pansamantalang ugnayan para sa layunin ng kasiyahang seksuwal. |
Sa bawat isang kasong ito , ang pangingibabaw ng ugnayan sa mga buhay ng mga kasangkot ay kusang may hangganan o mayroong limitasyon , at pangkaraniwan na mayroong isang diwa o pagdama na ang ugnayan ay nilalayon na magtagal lamang habang o hangga 't ang mga partido o magkabilang panig ay nagnanais nito o malagay sa ganitong kalagayan. |
Kaiba ang ugnayang kaswal mula sa pagtatalik na pahapyaw , na may kaunti o walang elementong pandamdamin , at mula sa isang pang - isang gabing pagtatalik , dahil ang ugnayan ay lumalampas sa isang enkuwentrong seksuwal o may pagtatalik. |
Hanggang sa kalagayan na nagkaroon ng kaswal na pagniniig na seksuwal , ang ugnayan ay pangkalahatang nakatuon sa pagsasakatuparan ng mga kagustuhang seksuwal , sa halip na pangpag - ibig , romansa , o pangdamdaming mga pangangailangan. |
Paminsan - minsan , ang pakikipag - ugnayang seksuwal ay kinabibilangan ng pagtangkilik o pagsuportang nagbibigayan at sabayan , apeksiyon at kaaliwan , na makikita sa iba pang mga uri o anyo ng pakikipag - ugnayang may pagmamahalan. |
Artemisia vulgaris |
Ang Artemisia vulgaris ( Ingles : St. John 's plant , " halaman ni San Juan " , mugwort , common wormwood o karaniwang damong - maria , Cingulum Sancti Johannis , St. John 's wort , felon herb ) ay isa sa ilang mga uring nasa saring Artemisia ( mga artemisya ) na tinatawag na mga damong - maria. |
Sa Ingles , kalimitang naglalaman ang mga pangkaraniwang pangalan nito ng salitang mugwort. |
Tinatawag din itong felon herb , chrysanthemum weed , wild wormweed , o St. John 's plant ( na hindi dapat ikalito sa tunay na St. John 's wort o " damong - maria ni San Juan " , ang Hypericum perforatum ). |