text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Mas may epekto at mas madaling punasan sa pamamagitan ng esponghang binasa ng malamig o maligamgam na tubig ang isang pasyente. |
Kung kinakailangan , gumagamit din ng malalamig na mga pakete o bilot , o kaya malamig na paligo. |
Ginagamit din ang pagbubuhos ng tubig na malamig bilang mabilis na panlunas o remedyo sa kaso ng mga inatake ng matinding pag - init ng katawang sanhi ng sikat ng araw. |
Regla |
Ang sapanahon , regla o mens ( Ingles : menstruation ) ay isang yugto sa siklo ng pagsasapanahon kung kailan naglalagas o nangungulag ang endometrium o kahabaan ng panloob na kapatagan ng bahay - bata. |
Pinakakapuna - punang hudyat nito ang pagdurugo mula puke sa loob ng ilang mga araw. |
Nagaganap lamang ang siklo ng pagsasapanahon ( menstrual cycle ) sa mga Hominoidea , kung saan kabilang ang tao at mga unggoy. |
Nakadaranas ng siklong estrus ang ibang uri ng mga mamalyang may - inunan ( o may plasenta ) , kung saan muling - sinisipsip ng katawan ng hayop ang endometrium pagsapit ng katapusan ng siklo ng pagaanak ( siklong reproduktibo ) nito. |
Nagsisimula ito sa menarche bago magsimula ang kahinugang pangkasarian at tumitigil sa pagdating ng layag.Dahil sa kapanahunan ng regla , ito ay nagpasimuno ng mga euphemisms tulad ng peryod at buwanan. |
Tumitigil magregla ang mga babae tuwing sila ay buntis o nagpapasuso. |
Kung ang pagregla ng isang babae ay tumigil ng higit siyam na pung araw nang hindi siya buntis o nagpapasuso , nangangailangan siya ng medikal na pagsusuri dahil maaari itong magdulot ng maraming problema sa kalusugan. |
Ang regla ay tumatagal mula sa simula ng pagdadalaga hanggang sa paglayag sa mga babaeng hindi pa buntis. |
Tinatawag ang isang babaeng nasa mga araw ng pagreregla na nireregla may - sapanahon , pinapanahon , at may - regla. |
Ang siklo ng pagsasapanahon ay kabilang sa pagunlad ng isang masustansiyang " lining " ( endometrium ) sa loob ng bahay - bata na nagsisilbing unan at tagapagbigay ng sustansiya sa nabubuong sanggol kung ang babae ay buntis. |
Sa pagkakataon na hindi siya buntis , ang " lining " na ito ay inilalabas. |
Ito ay kilala natin bilang regla , o ang buwanang - dalaw. |
Ang regular na regla ( na tinatawag ring bilang eumenorrhea ) ay tumatagal ng ilang araw , mula 3 hanggang 5 araw , ngunit ang pagtagal nito ng 2 hanggang 7 araw ay itinuturing pa ring normal. |
Ang karaniwang siklo ng pagreregla ay tumatagal ng 28 araw mula sa unang araw ng isang buwanang dalaw hanggang sa unang araw ng sumunod. |
Ang isang normal na siklo ng pagreregla sa mga matatandang kababaihan ay nasa pagitan ng 21 at 35 araw. |
Nagkakaiba iba naman ang tagal nito sa mga adolesente at karaniwang tumatagal ang siklo ng 21 hanggang 45 araw. |
Ilan sa mga sintomas na nararanasan bago magkaron ng regla , tulad ng paglaki ng dibdib , pamamaga at pagkakaroon ng tagihawat ay tinatawag na " premenstrual molimina. |
". |
Ang karaniwang dami ng regla kada buwanang - dalaw ay 35 millilitro ( 2.4 na kutsarang menstrual fluid ) kung saan ang 10 - 80 millilitro ( 1 - 6 na kutsarang menstrual fluid ) ay itinuturing pangkaraniwan. |
Ang tamang termino para sa daloy na ito ay " menstrual fluid " bagamat marami ang tumatawag ditong buwanang dugo. |
Ang menstrual fluid ay naglalaman ng dugo , pati na rin ng " cervical mucus " , " vaginal secretions , " at " endometrial tissue. |
" Ang kulay ng menstrual fluid ay may pagka - pulang kayumanggi , bahagyang mas maitim sa karaniwang dugo. |
Maliban na lamang kung ang isang babae ay may sakit sa dugo , hindi delikado ang regla. |
Walang " toxins " na inilalabas sa buwanang daloy dahil ito ay isang " lining " na dapat sapat nang dalisay at malinis para mag - alaga ng isang sanggol. |
Ang menstrual fluid ay hindi kasing delikado ng pangkaraniwang dugo. |
Pandaigdigang Pamantayang Bilang ng Aklat |
Ang Pandaigdigang Pamantayang Bilang ng Aklat ( Ingles : International Standard Book Number , dinadaglat bilang ISBN ) ay isang natatanging bilang na nagpapakilala sa mga aklat na nakabatay sa kodigong Pamantayang Pagpapabilang ng mga Aklat ( Standard Book Numbering , SBN ) , isang sistema na may siyam na bilang na nilikha ni Gordon Foster , Propesor Emeritus ng Estadistika sa Trinity College sa Dublin , Irlanda , para sa mga tindahan ng aklat na nasa pagmamay - ari ng W. H. Smith , isang kompanya mula sa Nagkakaisang Kaharian , at ibang mga librerya noong 1965. |
Iniunlad ng Organisasyong Pandaigdig para sa Pagsasapamantayan ( ISO ) ang mismong ISBN , at inilimbag ito noong 1970 bilang pamantayang ISO 2108. |
Noong 1 Enero 2007 , ipinalawak ang ISBN upang magkaroon ito ng 13 bilang , na may kompatibilidad sa sistemang Bookland EAN , na may 13 bilang din. |
Mayroon ding sistema para sa pagpapakilala ng mga peryodiko tulad ng mga magasin : ito ay ang Pandaigdigang Pamantayang Bilang ng mga Publikasyong Seryal ( International Standard Serial Number o ISSN ). |
Big Bang |
Ang Teoryang Big Bang ay nagmula sa siyentipikong teorya na sa kasalukuyan ay ang nananaig na modelong kosmolohiya sa pamayanang siyentipiko ng sinaunang pagkakabuo o pinagmulan ng kasalukuyang sansinukob. |
Ang teoryang ito ay nagsasaad na ang sansinukob ay nagmula sa isang masikip at napakainit na estado 13.7 bilyong taon na ang nakalilipas at lumalawak na naging sanhi ng paglamig ng uniberso. |
Ang paglawak na ito ng uniberso ay patuloy na nangyayari hanggang sa kasalukuyan at ito 'y papabilis ng papabilis ayon sa mga kosmolohista. |
Ang teoryang ito ay umaayon sa mga obserbasyonal na ebidensiya at eksperimentong ginawa ng mga siyentipiko. |
Ang teoryang Big Bang ay nabuo mula sa mga obserbasyon ng istraktura ng uniberso at mula sa pagsusuring teoretikal. |
Noong 1912 , si Vesto Sliper ay sumukat ng unang " doppler shift " ng " spiral na nebula " ( Ang terminong ito ay hindi na ginagamit para tukuying ang " spiral na mga galaksiya " ) at kanyang natuklasan na halos lahat ng mga nebulang ito ay papalayo sa mundo. |
Hindi niya natanto ang mga implikasyon ng obserbasyong ito at nang mga panahong ito , isang kontrobersiyal na ideya kung ang mga nebulang ito ay mga " si Alexander Friedmann ay naghango ng mga " Ekwasyong Friedmann " mula sa mga ekwasyon ni Albert Einstein ng Teoryang pangkalahatang relatibidad. |
Ang mga ekwasyon ni Friedmann ay nagpapakita na ang uniberso ay lumalawak na salungat naman sa " statiko ( hindi lumalawak ) na sansinukob " na itinataguyod ni Einstein sa mga panahong ito. |
Noong 1924 , ang pagsukat ng astronomong si Edwin Hubble sa malalaking distansiya sa pinakamalapit na mga spiral na nebula ay nagpapakita na ang mga ito ay talaga ngang galaksiya. |
Noong 1927 , independiyenteng hinango ng Belhianong pisikong si Georges Lemaitre ang ekwasyon ni Friedmann at kanyang iminungkahi na ang nahinuhang paglayo ng mga nebula mula sa mga ekwasyong ito ay sanhi ng paglawak ng uniberso. |
Noong 1931 , iminungkahi ni Lemaitre na ang maliwanag na paglawak na ito ng uniberso ayon sa obserbasyon ay nangangahulugang kung ibabalik ang panahon , makikitang ang uniberso ay matitipon sa isang punto o isang primebal na atomo kung saan ang oras at espasyo ( buong sansinukob ) ay nagmula. |
Mula 1924 , si Hubble ay lumikha ng mga sunod sunod na indikator ng distansiya gamit ang isang 100 pulgada na teleskopiyong Hooker sa isang obserbatoryo sa Bundok Wilson , California. |
Dahil dito , kanyang natantiya ang distansiya ng mga galaksiya na ang mga pulang paglipat ay nasukat na ni Slipher. |
Noong 1928 , natuklasan ni Hubble na may korelasyon sa pagitan ng distansiya at belosidad ng paglayo na tinatawag na " batas ni Hubble ". |
Naipakita na rin ni Lemaitre na ito ay inaasahang konklusyon sa pamamagitan ng Prinsipyong Kosmolohikal. |
Noong mga 1930s , ang ibang mga ideya ay iminungkahi upang ipaliwanag ang mga obserbasyong ito ni Hubble kabilang na ang modelong Milne , ang osilyatoryong uniberso ( na unang iminungkahi ni Friedmann at itinaguyod ni Albert Einstein at Richard Tolman ) at ang hipotesis na pagod na liwanag ni Fritz Zwicky. |
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig , dalawang mga posibilidad ang lumitaw. |
Ang una ay ang modelong nakapirmeng estado ( steady state model ) ni Fred Hoyle na nagsasaad na ang mga bagong materya ay malilikha na parang ang uniberso ay lumalawak. |
Sa modelong ito , ang uniberso ay halos pareho sa anumang punto sa panahon. |
Ang isa pang iminungkahi ay ang teorya ng Big Bang ni Lemaitre na itinaguyod at pinaunlad ni George Gamow na nagpakilala ng nukleyosintesis ng big bang at ang mga kasamahan nito ay humula sa pag - iral ng " kosmikong mikroweyb na radiasyon ( cosmic microwave radiation o CMB ). |
Ang ironikal dito ay si Hoyle ang nagimbento ng parirala na naging terminong nilapat sa teorya Lemaitre. |
Tinukoy ni Hoyle ang kanyang ideya na " itong malaking pagsabog na ideya " noong paghahayag ng BBC ( British Broadcasting Corporation ) radio noong Marso 1949. |
Sa sandaling panahon , ang suporta ay hati sa pagitan ng dalawang teoryang ito. |
Kalaunan , ang obserbasyonal na ebidensiya ay nagsimulang pumabor sa " teoryang Big Bang " laban sa " teoryang nakapirmeng estado ". |
Ang pagkakatuklas at kompirmasyon ng hinulaang Kosmikong mikroweyb na radiasyon ( cosmic microwave radiation ) noong 1964 ang nagpatibay sa teoryang big bang na pinakamahusay na paliwanag sa pinagmulan at ebolusyon ng kosmos. |
Ang karamihan ng mga kasalukuyang pagsusuri sa kosmolohiya ay nakabatay sa konteksto ng big bang kabilang na ang pagkaunawa sa pagkakabuo ng mga galaksiya at pagkakaunawa sa pisika ng uniberso sa mga sinaunang yugto nito. |
Ang malalaking mga pagunlad sa kosmolohiyang big bang ay nagawa simula noong mga huli ng 1990 's dulot ng mga malalaking pagsulong sa teknolohiyang teleskopiyo gayundin sa pagsusuri ng mga saganang data mula sa mga satelayt gaya ng COBE , teleskopiyong Hubble , at WMAP. |
Dahil dito , ang mga kosmolohista ay mayroon ng tiyak na mga sukat ng mga paremetro ( parameters ) ng modelong big bang at ang pagkakaroon ng hindi inaasahang obserbasyon na ang paglawak na ito ng uniberso ay lalo pang bumibilis sa kasalukuyan. |
Ang ekstrapolasyon ng paglawak ng uniberso pabalik ng panahon gamit ang pangkalahatang relatibidad ay nagbibigay ng walang hangganang densidad at temperatura sa isang ay hangganang panahon sa nakaraan. |
Ang singularidad na ito ay naghuhudyat ng pagguho ng lahat ng batas ng agham kabilang na ang pangkalahatang relatibidad. |
Kung paanong kalapit mahihinuha tungo sa singularidad ay pinagdedebatihan na tiyak na hindi mas malapit sa dulo ng kapanahunang Planck. |
Ang singularidad na ito ay minsang tinatawag na " the Big Bang singularity " ngunit ang terminong ito ay maari ring tumukoy sa mismong sinaunang mainit at siksik na yugto na maituturing na kapanganakan ng ating uniberso. |
Batay sa mga pagsukat ng paglawak gamit ang Uring Ia supernovae , ang pagsukat ng pluktuasyon o paiba iba ng temperatura sa likurang kosmikong mikroweyb , ang uniberso ay may masusukat na edad na 13.75 + - 0.11 bilyong mga taon. |
Ang pagkakasundo ng tatlong pagsusukat na ito ay malakas na sumusuporta sa modelong LCDM na naglalarawan sa detalye ng mga nilalaman ng uniberso. |
Ang mga sinaunang yugto ng Big Bang ay paksa pa rin ng mga ispekulasyon. |
Sa karamihan ng mga karaniwang modelo , ang uniberso ay napuno ng pantay pantay sa straktura at direksiyon ng sobrang taas na densidad ng enerhiya , mataas na temperatura at presyur at mabilis na lumalawak at lumalamig. |
Sa tinatayang 10 - 37 segundo sa paglawak , ang isang yugtong transisyon ay nagsanhi ng inplasyong kosmiko kung saan ang uniberso ay lumago ng eksponensiyal. |
Pagkatapos huminto ang inplasyon , ang uniberso ay binubuo ng quark - gluon plasma gayunidin ang ibang mga elementaryong mga partikulo. |
Ang mga temperatura ay sobrang taas na ang randomang mosyon ng mga partikulo ay nasa relatibistikong bilis at ang mga partikulo - antipartikulong mga pares ng lahat ng uri ay patuloy na nalilikha at nawawasak sa pagbabanggaan. |
Sa isang punto , ang hindi alam na reaksiyon na tinatawag na baryohenesis ay lumabag sa konserbasyon ng bilang ng baryon na tumungo sa maliit na sobrang mga quark at lepton sa ibabaw ng antiquark at antilepton sa order na isang bahagi sa 30 milyon. |
Ito ay nagresulta sa pag - naig ng materya sa antimaterya sa kasalukuyang uniberso. |
Ang uniberso ay patuloy na lumalago sa laki at bumagsak sa temperatura kaya ang tipikal na enerhiya ng bawat partikulo ay lumiliit. |
Ang transisyong yugto ng pagbasag ng simetriya ay naglagay ng mga pundamental na interaksiyon ng pisika at mga parametro ng mga elemantaryong partikulo sa kasalukuyang anyo nito. |
Pagkatapos ng 10 - 11 segundo , ang pangyayari ay mas naging hindi spekulatibo dahil ang mga enerhiya ng partikulo ay bumagsak sa halagang makakamit sa mga eksperimento ng partikulong pisika. |
Sa mga 6 - 10 segundo , ang mga quark at gluon ay nagsama upang bumuo ng mga baryon gaya ng proton at neutron. |
Ang maliit na paglabis na mga quark sa antiquark ay nagdulot ng maliit na paglabis ng baryon sa antibaryon. |
Ang temperatura ay hindi na masyadong mataas upang lumikha ng panibagong mga proton - antiproton na mga pares ( tulad din sa neutron - antineutron ) kaya ang anihilasyon ng masa ay agad na sumunod na nag - iwan ng isa sa 1010 ng mga orihinal na proton at neutron at wala sa mga antipartikulo nito. |
Ang katulad na proseso ay nangyari sa mga 1 segundo para sa elektron at positron. |
Pagkatapos ng mga anihilasyong ito , ang mga natitirang proton , neutron at elektron ay hindi gumagalaw ng relatibistiko at ang densidad ng enerhiya ng uniberso ay pina - naigan ng mga photon ( na may maliit na kontribusyon mula sa mga neutrino ). |
Sa ilang mga minuto ng paglawak nang ang temperatura ay mga isang bilyong ( isang libong milyon 109 SI prefix giga - ) kelvin at ang densidad ay tulad ng sa hangin , ang mga neutron ay humalo sa mga proton upang bumuo ng nuclei ng deuterium at helium ng uniberso sa isang prosesong tinatawag na Big Bang nucleosynthesis. |
Ang halos bilang ng proton ay nanatiling hindi humalo sa nuclei na hidroheno. |
Habang ang uniberso ay lumalamig , ang enerhiyang densidad ng nagpapahingang masa ay grabitasyonal na nanaig sa radiasyon ng photon. |
Mga pagkatapos ng 379,000 mga taon , ang mga elektron at nuclei ay naghalo upang maging atomo ( na ang karamihan ay atomo ng hidroheno ) ; kaya ang radiasyon ay humiwalay sa materya at nagpatuloy sa espasyo na hindi nahaharangan. |
Ang relikong ( labi ) radiasyon ito ay tinatawag na kosmikong mikroweyb na likurang radiasyon ( cosmic microwave background radiation ). |
Sa paglipas ng mahabang yugto ng panahon , ang medyo siksik na mga rehiyon ng malapit na pantay na ipinamahaging materya ay grabitasyonal na umakit ng malalapit na materya kaya mas naging siksik at bumuo ito ng mga ulap gaas , mga bituin , mga galaksiya at iba pang mga strakturang astronomikal na mapagmamasdayan sa kasalukuyan. |
Ang mga detalye ng prosesong ito ay nakabatay sa halaga at uri ng materya sa uniberso. |
Ang apat na posibleng mga uri ng materya ay kilala bilang malamig na itim na materya , medyo mainit na itim na materya , mainit na itim na materya at materyang baryoniko. |
Ang pinakamahusay na pagsusukat na magagamit ngayon ( mula sa WMAP ) ay nagpapakitang ang data ay maiging akma sa modelong Lambda - CDM kung saan ang itim na materya ( dark matter ) ay ipinapagpalagay na malamig ( medyo mainit na itim na materya ay inalis sa sinaunang muling ionisasyon ) at tinatayang bumubo sa 23 % ng materya / enerhiya ng uniberso samantalang ang materyang baryoniko ay bumubuo sa 4.6 % materya ng uniberso. |
Sa " pinalawig na modelo " na kinabibilangan ng mainit na itim na materya sa anyo ng mga neutrino , kung ang " pisikal na densidad ng baryon " na Obh2 ay tinayang nasa 0.023 ( ito ay iba sa densidad ng baryon na inihahayag bilang praksiyon ng kabuuang densidad ng materya / enerhiya na gaya ng binanggit sa taas ay 0.046 ) at ang tumutugong densidad ng malamig na itim na materyang Och2 ay nasa 0.11 , ang tumutugong densidad ng neutrinong Ovh2 ay tinatayang mas maliit sa 0.0062. |
Ang mga independiyenteng linya ng ebidensiya mula sa Uring Ia supernovae at sa CMB ay nagpapahiwatig na ang uniberso sa kasalukuyan ay pinana - naigan ng isang misteryosong anyo ng enerhiya na kilala bilang itim na enerhiya na maliwanag na tumatagos sa lahat ng espasyo. |
Ang mga obserbasyon ay nagmumungkahi na ang 73 % ng densidad ng kabuuang enerhiya ng kasalukuyang uniberso ay nasa anyong ito. |
Nang ang uniberso ay sobrang bata pa , ito ay malamang napuno ng itim na enerhiya ngunit may mas kaunting espasyo at ang lahat ay malapit na magkakasama. |
Ang grabidad ang may kalamangan at mabagal nitong pinahihinto ang paglawig. |
Sa kalaunan , pagkatapos ng ilang mga bilyong taon ng paglawig , ang papalagong pagsagana ng itim na enerhiya ay nagdulot sa paglawak ng unibsero na mabagal na muling tumulin. |
Ang itim na enerhiya sa pinakasimpleng pormulasyon nito ay kumukuha ng anyo ng konstanteng kosmolohikal sa Ekwasyong field ni Einstein ng pangkalahatang relatibidad ngunit ang komposisyon nito at mekanismo ay hindi alam at sa pangkalahatan , ang mga detalye ng ekwasyon ng estado at relasyon sa pamantayang modelo ng partikulong pisika ay patuloy na iniimbestigahan sa pagmamasid at teoretikal. |